PAGTATAYO NG ST. PADRE PIO CHURCH SA MANGATAREM, PORMAL NANG SINIMULAN

Pormal nang sinimulan ang pagtatayo ng St. Padre Pio Church sa Barangay Quetegan, Mangatarem matapos isagawa ang groundbreaking ceremony noong Setyembre 23, 2026.

Dinaluhan ang okasyon ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, mga pari, at mga miyembro ng komunidad bilang pagpapakita ng suporta sa bagong yugto ng St. Padre Pio Mission Station.

Pinangunahan ni Most Rev. Napoleon B. Sipalay Jr., Bishop of Alaminos, kasama ang iba pang mga pari, ang seremonya bilang hudyat ng pagsisimula ng konstruksiyon ng simbahan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat at pagbati ang mga dumalo sa pamunuan ng St. Padre Pio Mission Station para sa matagumpay na pagdaraos ng mahalagang okasyon.

Kasabay ng pagsisimula ng proyekto, ang panawagan rin ng mga lider ng simbahan para sa higit pang pagpapatatag ng pananampalataya at pagkakaisa ng komunidad.

Nagkaisa rin ang mga dumalo sa pananalangin para sa patuloy na gabay at pagpapala ng Diyos upang maisakatuparan ang mga layunin ng komunidad at mapalakas ang paglilingkod sa bayan nang may malasakit, katapatan, at pananampalataya.

Ang pagtatayo ng St. Padre Pio Church ay magsisilbing simbolo ng patuloy na paghubog at pagpapatatag ng pananampalataya ng mga mananampalataya sa Mangatarem. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments