PANUKALANG PAGPAPALIBAN NG BSKE2026, PIRMADO NA NG PANGULO

Aprubado na at pirmado na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE2026 at ang extension ng kasaluyang mga nasa pwesto.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro sa isang briefing noong Biyernes September 25, 2026 sa Ilocos Norte, pinirmahan na ng pangulo ang nasabing panukala.

Dagdag niya, kabilang sa naging rason ng pagpirma ng panukala ang madaliang pagmobilize o paggamit sa mga kawani ng baranggay upang masugpo ang mga krimen at problema sa pagbaha.

Samantala sa Dagupan City, nakapagsagawa pa ng pre-orientation sa mga aspiring BSKE candidates noong Setyembre 23 at 24, 2026.

Sa kasalukuyan, mananatili sa kani-kanilang pwesto ang mga kawani ng Barangay at Sangguniang Kabataan at patuloy na maghihintay ang mga residente sa susunod na eleksyon na mangyayari sa taong 2028. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments