
Sinimulan na ng Northern Police District (NPD) at Manila Police District (MPD) ang mga hakbang para sa seguridad ng ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa.
Kaugnay nito, ipinag-utos ng NPD sa mga tauhan na paigtingin ang seguridad, kaayusan at kapayapaan sa CAMANAVA o Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Nagtalaga na rin ang NPD ng mga tauhan sa Bonifacio Monument kung saan inaasahan na magtitipon-tipon ang ilang mga grupo.
Nakahanda at ide-deploy naman ng MPD ang kanilang mga tauhan sa ilang bahagi ng lungsod dahil sa inaasahan kaliwa’t kanang kilos-protesta.
Partikular na tutukan ang Liwasang Bonifacio, Mendiola at Ayala Bridge na kung maaalala ay sa nasabing tulay naganap ang kaguluhan noong nakaraan taon.
Papayagan naman magsagawa ng kilo- protesta sa C.M. Recto Avenue malapit sa University of the East pero hindi na sila palalapitin pa sa Mendiola.










