Tuesday, September 15, 2026

PBBM, aminadong matagal pang mararamdaman ang solusyon sa baha; Flood basins sa Metro Manila, target matapos sa 1 hanggang 2 taon

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matagal pa bago tuluyang maramdaman ng mga taga-Calumpit, Bulacan ang ginhawa sa problema sa baha.

Ayon sa pangulo, pinalalala ng climate change at matitinding pag-ulan ang pagbaha kaya kailangan ng pangmatagalang solusyon.

Kabilang dito ang paghuhukay ng mga flood basin o imbakan ng tubig, kabilang sa mga lugar na madalas bahain gaya ng bahagi ng NLEX.

Sinabi rin ni Marcos na limang lugar sa Metro Manila ang tinukoy para gawing imbakan ng tubig.

Target na matapos sa loob ng isa hanggang dalawang taon ang ilan sa mga maliliit na flood basin, habang mas matagal ang pagtatayo ng malalaki.

Facebook Comments