Saturday, September 19, 2026

Defense Sec. Teodoro, iginiit na hindi dapat pakialaman ng China ang pagpapatupad ng One-China Policy

Iginiit ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na hindi dapat pakialaman ng China ang pagpapatupad ng One China Policy sa bansa.

Ang pahayag na ito ng Kalihim ay kasunod ng pag-alma ng Beijing sa pagpapatayo ng opisina ng Taiwan sa Cebu.

Ayon kay Teodoro, ang bansa ang nagdedefine ng nasabing polisiya at hindi sila.

Aniya, kinikilala naman ng bansa ang One-China Policy ngunit kung paano kilalanin ay huwag nang pakialaman pa ng China.

Facebook Comments