Monday, August 10, 2026

12 patay, 8 nawawala, 11 sugatan sa epekto ng Habagat at mga Bagyong Luis at Maymay — OCD

Iniulat ng Office of Civil Defense o OCD na 12 katao ang patay, 8 ang nawawala at 11 ang nasugatan dahil sa epekto ng Habagat at Bagyong Luis at Maymay

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni OCD Asec. Laurence Mina, sa mga naitalang pagkamatay, dalawa ang mula sa Benguet at tatlo sa Rizal.

Karamihan sa mga biktima ay nasawi dahil sa landslide at pagbagsak ng mga puno.

Patuloy ang validation ng mga ulat sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments