Tuesday, August 4, 2026

SPD, bumuo na ng special investigation team sa pamamaril sa labas ng isang hotel sa Makati

Bumuo na ang Southern Police District (SPD) ng Special Investigation Team (SIT) na tututok sa pamamaril sa harap ng isang hotel sa Makati City.

Ang bubuuing task force ang siyang mangangalaga ng mga ebidensya, intelligence coordination at manhunt operations para mapabilis ang paglutas sa kaso.

Nanawagan naman ang pulisya sa sinumang nakasaksi o may hawak na CCTV, dashcam footage o iba pang impormasyon na makipag-ugnayan sa Makati City Police Station para makatulong sa imbestigasyon.

Ayon sa Southern Police District (SPD), nagtamo ng mga tama ng bala ang mag-ina na agad isinugod sa Makati Medical Center.

Sugatan ang batang biktima habang idineklarang dead on arrival sa ospital ang kanyang ina.

Kasunod nito, agad nagsagawa ng dragnet operation ang Makati City Police Station at masusing sinusuri ang mga CCTV footage para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek bago at pagkatapos ng pamamaril.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo sa pag-atake at iba pang detalye ng insidente.

Facebook Comments