
Pinasisiyasat ni Senate President Sherwin Gatchalian ang kawalan ng regular na audit sa presyo ng produktong petrolyo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng singil sa generation charge sa bill ng kuryente.
Ang problemang ito ay nagdulot ng financial distress sa maraming mga consumers.
Sa Senate Resolution 581 na inihain ni Gatchalian, ang tumataas na generation charges at kawalan ng regular fuel cost audits ay naglantad sa pangangailangan ng mas malakas na pananagutan at transparency sa power generation sector para matiyak ang abot-kaya o mas mababang singil sa kuryente.
Tinukoy ng senador na napilitang magbayad ng dagdag na ₱620 kada buwan ang mga households na kumukunsumo ng 200 kWh.
Ipinapakita lamang aniya na ang mataas na singil sa kuryente ay dulot ng generation charges na ipinapasa sa mga consumers.










