TATLONG LUNGSOD SA PANGASINAN, KABILANG SA MGA NAGPATUPAD NG LOCALIZED SUSPENSION NGAYONG ARAW

Kabilang ang lungsod ng Dagupan, San Carlos at Alaminos sa mga nagpatupad ng localized suspension sa lalawigan ng Pangasinan ngayong araw, August 10, 2026.

Nagpatupad ang mga ito ng suspensyon sa lahat ng antas kasama ng iba pang bayan na nag-anunsyo sa bawat distrito bukod sa Binalonan kung saan suspendido lamang ang klase mula pre-school hanggang senior high school.

Wala naman inilabas na anunsyo ang lungsod ng Urdaneta at ilang bayan tulad ng Laoac, Villasis, Balungao, Natividad, San Manuel, San Nicolas, San Quintin, Sta. Maria, Tayug at Umingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments