
Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nagsipagtapos na sa programa.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang tagumpay ng mga benepisyaryo ay patunay ng kanilang pagsisikap at determinasyong tumayo sa sarili nilang mga paa.
Pinapakita din nito na mas maraming Pilipino ang handang maging katuwang ng pamahalaan sa pag-unlad ng bansa.
Dagdag pa ng pangulo, sisikapin ng kaniyang administrasyon na walang maiiwan sa pagsulong ng bansa.
Nasa 12,000 4P’s beneficiaries ang nagsipagtapos nitong Biyernes kaya naman naglunsad din ang pamahalaan ng job fair para sa kanila para matulungan silang makahanap ng trabaho.
Facebook Comments