First Lady Liza Araneta Marcos, biyaheng Dubai sa ikalawang linggo ng Pebrero

Biyaheng Dubai si First Lady Liza Araneta Marcos sa Pebrero 11 hanggang 13, para maging kinatawan ng Pilipinas sa World Governments Summit.

Ang summit ay isang global na pamantayan para pagbutihin ang gawain ng pamahalaan at bumuo ng mga estratehiyana magpapalakas sa international cooperation at tukuyin ang mga makabagong solusyon sa mga darating na hamon.

Sa kaniyang social media post, ibinahagi ni FL Liza ang kaniyang paghahanda sa summit at sinabing sabik na siyang iripresenta ang bansa.


Ayon kay Ginang Marcos, kasama sa mga pinaghandaan nila ang ilang memoranda of understanding kabilang progreso ng Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA) para isulong ang kasaganahan ng parehong bansa.

Samantala, sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi makadadalo sa summit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at tanging ang First Lady lamang ang magtutungo sa Dubai.

Inaasahang lalahok sa summit ang higit sa 6,000 kinatawan ng 80 bansa at magkakaroon ito ng higit sa 110 interactive na sesyon at workshop.

Facebook Comments