Nasa 47 na mga kumpiskadong tangke ng Liquefied Petroleum Gas o LPG sa Dau, Mabalacat, Pampanga ang sinira mula sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 1.
Nakumpiska ang mga naturang tangke sa isinagawang routine inspection ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau sa La Union matapos na hindi pumasa sa safety at quality standards na siyang maaaring magdala ng pinsala sa tao.
Nasa 45,000 pesos ang tinatayang kabuuang halaga ng mga nakumpiska at sinirang tangke ng LPG.
Isinagawa naman ang pagsira sa mga naturang tangke sa ligtas at naaayon na pamamaraan upang hindi makapaminsala ng tao at ng kalikasan.
Regular na isinasagawa ng DTI R1 ang inspeksyon sa mga establisyimentong nagbebenta ng mga produkto tulad ng LPG upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa mga patakaran at panuntunan ng tanggapan at maging katiyakan sa kaligtasan ng mga konsyumer na bibili ng mga naturang produkto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨