Umabot sa 150 bamboo furniture makers mula sa iba’t ibang barangay ng San Carlos City ang nakatanggap ng livelihood assistance bilang bahagi ng programang naglalayong palakasin ang industriya ng kawayan at kabuhayan ng mga lokal na manggagawa.
Isinagawa ang Livelihood Assistance Program for Bamboo Furniture Makers na kung saan Layunin nitong magbigay ng mga kagamitan na makatutulong upang maging mas mabilis, episyente at produktibo ang paggawa ng mga produktong gawa sa kawayan.
Ang mga benepisyaryo ay mga miyembro ng Maker of Bamboo Products Association, na nagmula sa apat na barangay—Gamata, Matagdem, Pangpang at Mabalbalino.
Ayon sa programa, inaasahang makatutulong ang mga ipinagkaloob na kagamitan sa pagpapahusay ng produksyon at pagpapalago ng kabuhayan ng mga bamboo makers.
Layunin din ng inisyatiba na higit pang mapaunlad ang bamboo products industry sa lungsod at maitaguyod ang mga produktong gawa sa San Carlos City sa mas malawak na pamilihan, kabilang ang national at international markets.
Isinagawa ang programa sa pamamagitan ng Local Government Unit of San Carlos, sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Panlungsod at City Cooperative, Entrepreneurship and Livelihood Development Office (CCELDO).
Patuloy namang imo-monitor ng CCELDO ang kalagayan ng mga benepisyaryo upang matukoy ang progreso ng kanilang kabuhayan at kung paano nakatutulong ang mga ipinagkaloob na kagamitan sa kanilang produksyon at kita.
Sa pamamagitan ng naturang programa, layunin ng lokal na pamahalaan na mapalakas ang kabuhayan ng mga bamboo makers at higit pang maitaguyod ang mga produktong gawa sa kawayan bilang bahagi ng lokal na industriya ng San Carlos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











