151 Law Violators, Naaresto sa 1-day SACLEO; 99 NPA,Sumuko

Cauayan City, Isabela- Pinangasiwaan ng Police Regional Office 2 ang pagsuko ng anim (6) na regular na miyembro ng makakaliwang grupo bitbit ang kanilang armas, 4 na NPA sa baryo at walumpu’t siyam (89) na tagasuporta ng Communist Terrorist Group sa isinagawang 1-araw na SACLEO noong Martes, Marso 29, 2022.

Kinumpiska naman ng mga awtoridad ang dalawampu’t dalawang baril mula sa pag-iingat ng mga sumukong miyembro ng rebeldeng grupo.

Limang (5) drug personalities ang naaresto mula sa limang operasyong ikinasa ng mga awtoridad kung saan aabot sa 1.61 gramo ng shabu at 0.06 grams ng marijuana na may Standard Drug Price na Php 13, 410.00.

Positibo naman ang resulta ng mga isinilbing search warrant at iba pang operasyon ng pulisya kung saan nakumpiska ang dalawampu’t isang baril at labing-isang pampasabog.

Samantala, siyamnapu’t pito (97) na binubuo ng anim (6) wanted person at siyamnapu’t isang (91) indibidwal ang nahaharap sa iba’t ibang kaso na naaresto.

Sa kabilang banda, tatlumpu’t walong (38) indibidwal ang inaresto dahil sa iba pang paglabag sa batas.



Pinuri ni PRO2 Regional Director PBGen. Steve Ludan ang mga operating unit na nanguna isa pang matagumpay na pagpapatupad ng SACLEO.

Facebook Comments