Sa ilalim ng programa, umabot sa 95 pasyente ang nakatanggap ng tulong, habang 117 blood units naman ang naipagkaloob sa mga indigent patients.
Naglaan din ang Dagupan City ng ₱400,000 bilang suporta sa programa upang makatulong sa pagpapatuloy ng naturang serbisyong nagliligtas ng buhay.
Bilang pagkilala sa ambag ng lungsod, iginawad ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter ang Blood Samaritan Award at Scroll of Honor.
Ayon sa lungsod, mahalaga ang patuloy na pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross upang mas maging accessible sa mga nangangailangang Dagupeño ang blood assistance.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang lungsod sa Philippine Red Cross Pangasinan Chapter sa patuloy nitong pagtulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo, partikular ang mga mula sa mga kapos-palad na pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








