Thursday, August 13, 2026

Baclaran creek, balik na sa dati matapos ang tatlong araw na paglilinis

Mula sa dating dagat ng basura, balik na sa dating anyo ang Baclaran Channel sa Parañaque City.

Kasunod na rin ito ng tatlong araw na walang humpay na paglilinis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Parañaque LGU.

Kita na ang tubig sa creek hindi kagaya noong isang araw na puro basura ang lumulutang.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang mano-manong paglilinis ng mga tauhan ng mga nasabing ahensya sa lugar.

Kahapon ay nasa halos 100 truck katumbas ng mahigit 400 tonelada ng basura ang nahakot sa naturang creek.

Facebook Comments