17 pasahero ng nasiraang lantsa sa karagatan ng Basilan, nasagip ng Philippine Navy

Nasagip ng mga tauhan ng Naval Forces West (NFW) ng 17 indibidwal na sakay ng isang lantsa na nasiraan sa karagatan ng Pilas Island sa Basilan kahapon.

Isinagawa ang rescue operation ng Boat Attack 487 na dinispatsa ng NFW matapos i-report sa kanila ang distress call mula sa Motor Launch Sulna.

Patungo sana ang ML Sulna sa Turtle Islands, Tawi-Tawi mula sa Zamboanga City na may humigit-kumulang 100 sakay kasama ang crew nang masira ng makina nito sa gitna ng karagatan.


Ayon sa Naval forces, isinakay ng BA 487 ang 17 pasahero na nagpahayag ng kagustuhang bumalik sa Zamboanga City habang hinila naman ang nasirang lantsa sakay ang iba pang pasahero pabalik sa Baluk-Baluk Island, Basilan para ipagawa.

Facebook Comments