Wednesday, October 28, 2026

Panukalang titiyak na sapat ang suplay ng tubig sa bansa lalo na sa panahon ng El Niño, kailangang agad maisabatas

Nananawagan si Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo sa Senado na ipasa na sa lalong madaling panahon ang ang National Water Resources Management Act na layuning tiyakin ang sapat na suplay ng tubig sa bansa lalo na sa panahon ng El Niño.

Ang nabanggit na panukala ay nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara noong December 22, 2025 at naipadala na sa Senado kung saan ito nananatiling nakabinbin.

Itinatakda ng panukala ang paglikha ng Department of Water Resources at Water Regulatory Commission na siyang magpapa-igting sa koordinasyon para matugunan ang pangangailangan sa tubig ng buong bansa lalo tuwing may tagtuyod at iba pang mga hamon na may kinalaman sa klima o lagay ng panahon.

Ayon kay Quimbo, hangad ng panukala na makapaglatag ng isang matatag na national framework para mapamahalaan ng mahusay ang pinagmumulan ng tubig sa ating bansa, maiwasan ang kakapusan sa suplay ng tubig na nakakaapekto sa pang-araw araw na mga aktibidad at sa pag-usad ng ekonomiya at higit sa lahat nilalagay nito sa panganib ang kalusugan ng mamamayan.

Facebook Comments