Wednesday, August 5, 2026

Mahigit 12 libong pamilya, napaulat na naapektuhan ng pinagsamang Bagyong Luis, Maymay at ng Habagat —NDRRMC

FILE

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa kabuuang 12, 432 na mga pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Luis, Maymay at ng Southwest Moonsoon o ng Habagat.

Katumbas ito ng 42 na libong indibidwal na mga naapektuhan kung saan mula ito sa Region 1, 2, 3, 5, 9 at Cordillera Administrative Region.

Samantala, ayon pa sa NDRRMC, nasa 1,821 naman na mga pamilya o katumbas ng 5,818 na mga indibidwal ang nananatili sa 14 na mga itinalagang evacuation centers sa bansa.

Wala namang naitalang nasawi at nawawala sa nasabing epekto ng mga bagyo at habagat.

Kaugnay nito, nasa higit 1.2 million pesos naman ang halaga ng tulong na naipaabot na sa mga apektadong indibidwal.

Facebook Comments