Thursday, June 4, 2026

18 ex-marines, inalukan ng tig ₱5M na cash para tumestigo sa Senado kaugnay ng flood control

Pinadalhan na ng subpoena ng National Bureau of Investigation o NBI si dating Rep. Mike Defensor dahil sa mga alegasyong naglabas ito ng pera sa 18 dating marines para magsalita sa flood control scam.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, inalukan ng tig-P5 million ang bawat ex marines para magsagawa ng mga presscon at tumestigo sa Senado kaugnay ng anomalya sa flood control projects.

Aniya, may lumapit sa kanilang may kaugnayan o relasyon sa isa sa 18 ex-marines na mga dating aid ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co para isiwalat ang naturang isyu.

Aniya, napag-uusapan ito ng impormante at ng isang ex marine dahil nakatira sila sa iisang bahay.

May naibigay na rin umanong paunang bayad na P700,000 sa mga ex-marines pero hindi pa sila fully paid.

Samantala, muli ring ipapatawag ng NBI ang 18 ex marines para pagpaliwanagin sa alegasyon ng isa sa mga asawa ng 18 dating tauhan ng kongresistang ngayon ay nagtatago sa ibang bansa.

Facebook Comments