Tuesday, June 2, 2026

Ex-DPWH Sec. Bonoan, nakalabas na ng PNP General Hospital

Nakalabas na ng Philippine National Police (PNP) General Hospital si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan pasado 1:23 ng hapon, sakay ng ambulansya.

Ayon sa ulat, dadalhin siya sa Sandiganbayan para sa return of warrant kaugnay ng kasong plunder na may kaugnayan sa flood control scandal. Kasama niya sa biyahe ang mga medical personnel at mga tauhan ng PNP.

Kinumpirma ng PNP Health Service na stable na ang kondisyon ni Bonoan at may clearance na siya para ma-discharge.

Facebook Comments