
Hindi magagamit ng mga destabilizers ang tinaguriang 18-maleta boys para maka-trigger ng mas malaking gulo lalo na sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Naniniwala si Senator Ping Lacson na sinuman ang nasa likod ng tangkang destabilisasyon para gamitin ang 18 dating bodyguards at bagmen ni dating Congressman Zaldy Co, ay hindi ito uubra dahil ang uniformed services ay walang simpatya sa mga ito.
Tinukoy ni Lacson na 12 sa kanila ay dishonorably discharged at ayaw ng Philippine Marines na ma-associate sa 18.
Kung tingin aniya ng mga nasa likod ng destabilisasyon na magagamit nila sa mas malaking pagkilos o destabilisasyon ang 18, nagkakamali aniya ang mga ito.
Duda pa si Lacson sa ginawang pagpunta ng 18-ex bodyguards noong June 8 kung saan may pagdinig ang Blue Ribbon Committee dahil sa halip na humarap sa pagdinig ay nag-presscon ang mga ito sa opisina ni Senator Robinhood Padilla at dahil walang abiso, nagpumilit na makapasok ang 18 na batay sa assessment at sa karanasan ng senador ay sadyang may plano ang mga ito na manggulo.










