‎‎Pinaigting ng 102nd Maneuver Company (102ndMC) ang pagsasagawa ng araw-araw na preventive patrol sa mga bulubundukin at iba pang estratehikong lugar sa kanilang Area of Responsibility (AOR) bilang bahagi ng kanilang hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa mga komunidad.

‎Patuloy na nagsasagawa ng proactive security operations ang mga tauhan ng 102ndMC upang mapalakas ang police presence, mamonitor ang mga lugar na itinuturing na vulnerable, at maagapan ang anumang posibleng banta sa seguridad.

‎Layunin din ng mga patrol na maiwasan ang paggalaw at posibleng aktibidad ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga lugar na sakop ng kanilang responsibilidad.

‎Binigyang-diin ng 102ndMC na ang pagpapanatili ng seguridad ay nangangailangan ng patuloy na presensya at pagbabantay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at mapanatili ang kapayapaan sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments