Friday, September 11, 2026

VPSD, marapat lang sampahan ng disbarment case

Para kay House Committee on Human Rights Chairman at Manila Rep. Benny Abante, dapat ay noon pa sinampahan ng disbarment case si Vice President Sara Duterte (VPSD) matapos nitong pagbantaan ang buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang pamilya.

Sinabi ito ni Abante sa harap ng mga panawagan na sampahan ng disbarment case si VPSD kasunod ng kanyang mga pahayag laban sa korte at pulisya

Diin ni Abante, maraming mga salitang binibitiwan si Duterte na hindi akma para sa isang abogado at ikalawang pangulo ng bansa.

Punto pa ni Abante, bakit nag-abogado si VPSD kung wala itong tiwala sa korte at bakit nasa 400 ang bodyguards nitong pulis at sundalo kung wala itong tiwala sa mga awtoridad.

Facebook Comments