Abot sa 1,369 na mga residente sa Quezon City, nailikas na dahil sa Bagyong Paeng

Humigit-kumulang 350 na pamilya o katumbas ng 1,360 indibidwal ang inilikas mula sa anim na distrito sa Quezon City.

Ipinag-utos na ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang preemptive evacuation dahil sa posibleng pagbaha dulot ng matinding pag-ulan dala ng Bagyong Paeng.

Kabilang sa nagbukas na ng evacuation centers ay ang:


Masambong
Mariblo
Del Monte
Sto. Domingo
Bagong Silangan
Matandang Balara
Doña Imelda
Tatalon
Roxas
Central
South Triangle
Sta Monica
Apolonio Samson
San Agustin
Philam
Payatas
Batasan Hills

Kasunod na rin ito nang ipinalabas na heavy rainfall warning kung saan mararanasan ang malalakas na pag-ulan na maaring magdulot ng pagbaha sa mga flood prone areas.

Facebook Comments