Tuesday, June 9, 2026

18 maleta boys, natsope at abahag ang buntot para sa isang house prosecutor

Para kay House Prosecutor at Bicol Saro Party-List Rep. Terry Ridon, natsope at nabahag ang buntot ng “18 Maleta Boys” kaya hindi humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa ilalim ng Gatchalian Bloc.

Magugunitang sa Blue Ribbon Committee (BRC) hearing sa ilalim ng Cayetano Bloc noong nakaraang linggo ay isa si Ridon sa mga indibidwal na tinukoy ng ex-marines na dinalhan nila ng maletang naglalaman ng salapi.

Mariin itong itinanggi ni Ridon at hinamon ang tinatawag nyang maleta boys na panumpaan ang kanilang mga alegasyon sa isang opisyal na congressional proceeding na pinamumunuan ni Senator Erwin Tulfo.

Giit ni Ridon, ang pagtanggi ng maleta boys sa oportunidad na mabusisi ang kanilang mga alegasyon sa pagdinig ng duly constituted Senate Blue Ribbon Committee ay nagpapakita na kuwestyonable ang kanilang kredibilidad.

Facebook Comments