COMELEC, nakapagtala ng mataas na turn-out sa unang araw ng voters’ registration

105

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na naging mapayapa ang unang araw ng voters’ registration ngayong araw.

Kaugnay ito ng paghahanda para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre.

Ayon sa COMELEC, nakapagtala rin sila ng mataas na turn-out ng mga pagpapatala lalo na ang mga kabataan.


Inatasan din ng COMELEC ang lahat ng kanilang field offices na magsumite ng report araw-araw kaugnay ng idinaraos na voters’ registration.

Tatagal ang pagpapatala hanggang sa July 23.

Facebook Comments