DPWH, sinisigurong walang magiging aberya ang mga kalsada patungo sa mga venue ng FIBA World Cup

Sinisiguro ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na walang magiging aberya ang mga kalsada sa pagsisimula ng FIBA World Cup 2023.

Ito’y matapos nila maisaayos ang mga kalsada papunta ng mga venue na pagdarausan ng international basketball tournament.

Maging ang mga signages at exclusive lane para sa mga tutungo ng Philippine Arena sa Bocaue,Bulacan; Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City at Mall of Asia Arena sa Pasay City ay wala na rin magiging problema.


Matatandaan na una ng sinuspindi ng DPWH ang ilang mga road works maliban lamang sa malalaking proyekto at ilang road repairs.

Nag-abiso naman ang DPWH na hindi available ang kanilang Hotline Number 165-02 ngayong araw matapos suspindihin ang pasok sa gobyerno bilang suporta sa FIBA World Cup.

Facebook Comments