Wednesday, September 16, 2026

Itatayong detention basin ng DPWH malapit sa Manila Bay, pakikinabangan ng National Parks Development Committee

Hindi na lamang pagkontrol sa matinding baha ang mga plano ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa planong detention basin na itatayo malapit sa Manila Bay.

Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, nagsuhestyon ang National Parks Development Committee na ma-recycle ang maiipong baha para magamit sa pagdilig at iba pang pangangailangan ng Rizal Park.

Kapag napondohan sa 2027 at natapos ang proyekto, makatitipid ng malaki sa konsumo sa tubig ang Rizal Park na isa sa malawak na parke sa Metro Manila.

Ito’y sa gitna na rin ng problema sa suplay ng malinis na tubig sa Metro Manila bunsod ng lumalaking demand at epekto ng pagbabago ng klima

Kung mapopondohan, target ng DPWH na masimulan ang mga detention basin sa Rizal Park at Quirino Grandstand sa susunod na taon.

Inaasahang makatutulong ito ng malaki para maibsan ang pagbaha sa mga distrito ng Ermita, Malate, at Paco sa Maynila.

Facebook Comments