Friday, September 11, 2026

Impeachment Court, naging patas naman sa pagpili ng legal luminaries na tutulong sa isyu ng voting threshold ng impeachment trial

Iginiit ni Senate Impeachment Court Atty. Reginald Tongol ang pagiging patas ng korte sa pagpili ng amici curiae o friends of the court na siyang tutulong para mabigyang linaw ang voting threshold para sa conviction o acquittal ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Tongol na pinili sina retired Chief Justices Artemio Panganiban, Reynato Puno at Hilario Davide, Jr., retired Supreme Court Associate Justice Rodolfo Azcuna ng impeachment court bilang amici curiae dahil sa kanilang mga credentials, mga inilabas na desisyon noong sila pa ay nasa Korte Suprema at pagiging eksperto pagdating sa Konstitusyon.

Sinabi ni Tongol na dalawa sa mga ito ay framers ng 1987 Constitution, sina Davide at Azcuna, habang dalawa rin ay kilala head ng Korte Suprema.

Napili rin ang mga ito bilang legal advisers sa isyu ng voting threshold dahil kilala sila sa pagiging impartial o patas sa kanilang posiyon.

Dagdag pa ni Tongol, ang mga napiling amici curiae ay “very independent minded” at hindi madidiktahan kaya magandang marinig ang kanilang mga sasabihing opinyon tungkol sa usapin ng voting threshold.

Bukas din ang Senate Impeachment Court na magdagdag pa ng amici curiae lalo’t may ibang nagsasabi na puro lalaki ang napili at walang babaeng na posibleng ikunsidera rin ng korte.

Facebook Comments