Wednesday, July 15, 2026

VP Duterte, hindi maaring basta na lang ipresenta bilang testigo sa impeachment trial kapag nagtungo ito sa Senado

Nilinaw ni House Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., na hindi maaring basta na lang isalang sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte bilang testigo kapag ito ay nagtungo muli sa Senado.

Ayon kay Tolosa, batay sa patakaran ng impeachment court ay kailangan munang mag-abiso ang prosekusyon at depensa limang araw bago sila magpresenta ng testigo.

Binanggit ni Tolosa na kadalasan ay tuwing martes sila nag-aabiso kung sino ang kanilang ipipresentang mga testigo sa susunod na linggo.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inilahad ni Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan na pinag-aaralan nila ang posibilidad na hilingin sa Senate Impeachment Court na ipatawag si VP Duterte bilang hostile witness sa kanyang impeachment trial.

Facebook Comments