
Pinaghahanda na ng Senado ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno ng well-structured reintegration program para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na mawawalan ng trabaho dahil sa giyera sa pagitan ng Iran at Israel.
Ayon kay Senate Committee on Labor Senator Joel Villanueva, mahalagang mauna dapat ang pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga kababayang apektado ng kaguluhan.
Aniya, hindi lang dapat pagbibigay ng cash assistance ang tinitingnan ng gobyerno kundi paano sila magkakaroon ng trabaho pag-uwi nila sa Pilipinas at paghahanap ng alternatibong destinasyon para sa mga home care workers na gusto pang magtrabaho sa abroad.
Pinababalangkas din ni Villanueva ang mga economic managers ng mga hakbang upang hindi masyadong maapektuhan ang ekonomiya ng bansa.
Mahalaga aniyang mapag-aralang mabuti ng ating mga economic managers ang epekto sa ekonomiya ng nangyaring gulo sa pagitan ng Iran at Israel.