Mga kalsadang isinara ni Bantag sa NBP muling bubuksan ni BuCor Chief Catapang

Muling bubuksan ang mga kalsadang isinara ng dating Bureau of Correction (BuCor) Chief General Gerald Bantag na komokonekta sa bayan ng Muntinlupa at Housing South Ville 3 sa Muntinlupa City.

Ito ang kinumpirma ni BuCor Chief Gregorio Catapang matapos ang courtesy call nito kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon.

Ayon Kay Biazon ang mga kalsadang sinara ng dating namuno sa BuCor, bagay na naging dahilan ng di pagkakaunawaan ng BuCor at Muntinlupa City government.


Paliwanag ni Biazon nakiusap siya na bigyan ng consideration ang kalagayan ng mga kababayan niya lalo na ‘yung mga kabataan na nahihirapan sa pagpasok sa eskwela.

Nitong nakaraang Lunes dumalo rin ang alkalde sa anniversary celebration ng BuCor kung saan ginamit niya ang pagkakataon na magbigay ng formal letter para hilingin ang access para sa mga estudyante at residente rito.

Naniniwala ang alkalde na mapamumunuan ni Catapang ang BuCor.

Facebook Comments