Isang Chinese at 3 Pinoy, arestado sa kidnapping sa isang Tsino sa NAIA

Naaresto ng Philippine National Police – Aviation Security Group National Capital Region (PNP-AVSEGROUP-NCR) ang isang Chinese national at 3 Pinoy dahil sa pagdukot sa isang Tsino habang nasa Bay 5 South Wing ng Domestic Departure Curbside Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Kinilala ang suspect na sina Chen Hua, Chinese national, Hanif Mala Bautil, Robic Corminal Santisas at Mickel Provido.

Ang biktima na ililipad sana patungong Cebu ay ang Chinese national na si Zhang Jianping.


Ang mga suspek ay inabangan ng AVSEGROUP sa NAIA 2 matapos na mag-report ang kasintahan ng kidnap-victim na si Yancee Beltran, 22 taong gulang na patungo ng airport ang mga suspek kasama ang kanyang boyfriend na Chinese.

Agad naman na inabangan ng mga awtoridad ang Toyota Grandia na plate number NEU 2812 na sinasakyan ng mga suspek kung saan nabawi sa mga ito ang bitbit na armas.

Facebook Comments