Mga lumabag sa umiiral na COMELEC gun ban, umaabot na sa 2,272

44

Umakyat na sa 2,272 ang mga naaresto dahil sa paglabag sa (Commission on Election) COMELEC gun ban ngayong araw.

Ang mga ito ay nahuli sa 2,179 checkpoint operations na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) mula Enero 9 hanggang sa kasalukuyan.

Batay sa tala ng PNP Command Center, karamihan sa mga naaresto ay mga sibilyan na nasa 2,186; habang 40 ang security personnel, 14 ang miymebro ng PNP, 10 ang tauhan ng AFP, at 22 ang iba pa.


Nangunguna sa bilang ng mga naaresto ang National Capital Region (NCR) na nasa 837; kasunod ang Region 4A na nasa 247; Region 7 na nasa 235; Region 3 na nasa 227; at Region 6 na nasa 132.

Nakumpiska ng PNP sa mga ito ang 1,775 firearms na karamihan ay small arms; 806 deadly weapon kabilang ang 91 pampasabog; at halos 10,000 bala.

Facebook Comments