Imbentaryo sa suplay ng manok noong huling tatlong buwang ng 2020, tumaas ayon sa PSA

57

Inihayag ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang imbentaryo ng suplay ng manok sa bansa noong huling tatlong buwan ng 2021.

Batay sa pinakahuling Chicken Situation Report ng PSA, hanggang noong Enero 1, 2022, tumaas ng 1.2 % ang imbentaryo ng manok sa bansa o tinatayang nasa 179 milyong mga manok.

Tumaas din ang imbentaryo ng native na manok na aabot sa 1.1%, habang nasa 4.2% naman para sa layer na chicken.


Ang Central Luzon naman ang pangunahing producer ng manok, sumunod ang Northern Mindanao at Calabarzon habang ang Western Visayas naman ang nangungunang producer ng native na manok.

Ang average farm gate price naman ng broiler chicken noong Oktubre hanggang Disyembre 2021 ay aabot sa ₱100.38 kada kilo, habang pinakababa naman ay naitala noong 2020.

Facebook Comments