Friday, August 28, 2026

Visayas Grid, muling itataas sa Yellow at Red Alert Status mamayang hapon hanggang gabi

Muling itataas ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang Red at Yellow Alert sa Visayas Grid ngayong araw.

Nasa ilalim ng Red Alert ang Visayas Grid mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Samantala, ipatutupad ang Yellow Alert mula alas-2:00 hanggang alas-5:00 ng hapon at muli mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ayon sa NGCP, 10 power plant ang kasalukuyang naka-forced outage ngayong Agosto, habang may iba pang mga planta na nananatiling hindi pa rin operational mula sa mga nakaraang buwan at taon.

Dagdag pa rito ng 16 na power plant ang tumatakbo sa derated capacity, dahilan upang halos 979.6 megawatts ng suplay ng kuryente ang hindi maipadala sa grid.

Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng Red at Yellow Alert ang hindi operasyon ng malalaking coal-fired power plants na TVI 1, TVI 2, at KSPC 1, gayundin ang limitadong power import mula sa Mindanao.

Pinaalalahanan ang mga consumer na magtipid sa paggamit ng kuryente lalo na sa oras ng mga alerto upang makatulong sa pagpapanatili ng katatagan ng suplay ng elektrisidad.

Itinataas ang red alert kapag hindi sapat ang suplay ng kuryente upang matugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer at ang regulating requirement ng transmission grid.

Ang yellow alert ay inilalabas kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Facebook Comments