Mga Pilipino sa New York City, inalerto ng Philippine Consulate sa harap ng high” COVID-19 Alert Level na pinaiiral doon

198

Pinag-iingat ng Philippine Consulate General sa New York ang Filipino community doon kaugnay ng pinaiiral ngayon na “Orange” Alert Level ng COVID-19 doon.

Sa harap ito ng mataas na kaso ng community transmission sa New York City kung saan nakakaranas na ng pressure ang healthcare system doon.

Kaugnay nito,pinapayuhan ng konsulada ang mga Pinoy doon na palaging magsuot ng face mask at iwasan muna ang mga pagtitipon.


Hinihimok din ang Filipino community na magpabakuna at magpa-booster shot.

Gayundin, panatilihin ang paghuhugas ng kamay at agad na magpa-COVID test kapag nakaramdam ng sintomas

Facebook Comments