Monday, September 14, 2026

Malacañang, bukas sa publiko ngayong araw para sa kaarawan NI PBBM

Binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ngayong umaga ang Malacañang para sa Salo-Salo sa Palasyo 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaniyang ika-69 na kaarawan.

Ngayong araw, maaaring makakapasok ang publiko sa Kalayaan Grounds at makisalo sa libreng pagkaing inihanda para sa mga bisita.

Bukod sa selebrasyon, layunin nitong makasama at makapagpasalamat ang pangulo sa mga Pilipino.

Birthday wish daw ng pangulo, na magkaroon ng mas maraming oras kasama ang pamilya.

Para naman sa bansa, umaasa si Pangulong Marcos na magpapatuloy ang mga pagbabagong sinimulan ng kanyang administrasyon kahit matapos ang kanyang termino.

Facebook Comments