
Kinumpirma ng legal team ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Apollo Quiboloy na maghahain ito ng criminal complaints na libel at cyberlibel laban kina Sen. Risa Hontiveros, Rep. Leila de Lima, at Rep. Percy Cendaña bukas, September 10.
Batay sa media advisory ng kaniyang legal team, pormal na isusumite ng mga abogado ang mga reklamo sa Pasig Prosecutor’s Office ganap na alas-11:00 ng umaga laban sa mga tinukoy na opisyal dahil sa kani-kanilang mga pahayag at akusasyon laban sa KOJC Leader.
Kasabay nito, kinumpirma rin ni Atty. Ferdinand Topacio na mahigpit nilang tututulan ang ‘extradition request’ ng Estados Unidos na naglalayong makuha ang kustodiya ng lider ng KOJC.
Inaasahang tutungo ang mga kinatawan ni Quiboloy sa Pasig City para sa paghahain ng kaso habang naghahanda rin ang kaniyang mga abogado ng mga legal na hakbang laban sa extradition.










