Thursday, July 2, 2026

Aktibidad ngayong hapon sa isang eskwelahan sa Barangay Bagong Silangan High School sa Payatas, Quezon City, balik normal na —QCPD

Balik na sa normal ang lahat ng aktibidad sa isang eskwelahan sa Barangay Bagong Silangan High School sa Payatas, Quezon City matapos bulabugin ng komosyon.

Walong estudyante ang dinala sa clinic dahil sa naranasang takot.

Taliwas sa nai-post sa social media na may nangyaring shooting incident, lumilitaw sa imbestigasyon ng Police Station 13 ng Quezon City Police District (QCPD) na nagmula umano sa kalabog mula sa isang kasalukuyang konstruksyon sa kalapit na lugar ang inakalang putok ng baril.

Idineklara nang ligtas at kontrolado ang sitwasyon sa eskwelahan ngayong hapon.

Pinapaalalahanan ng QCPD ang publiko na iwasang magbahagi ng hindi pa beripikadong impormasyon sa social media dahil maaaring magdulot ito ng takot o panic.

Hinihikayat ng QCPD ang publiko na i-verify ang lahat ng impormasyon sa pamamagitan ng mga official sources.

Facebook Comments