
Sumasailalim na ngayon sa medical check-up bilang bahagi ng booking procedure sa CIDG si Senator Rodante Marcoleta para sa kanyang kasong plunder na inihain sa Sandiganbayan.
Ayon kay SILG Jonvic Remulla, dahil sa edad ni Marcoleta na 72 years old, maaaring umabot ng dalawang araw ang isasagawang medical examination sa kanya dahil marami pa siyang test na pagdadaanan.
Ayon pa kay Remulla, ngayong araw ay ilalabas na rin ang mugshots ng nasabing senador.
Samantala, nilinaw naman ni Remulla na sumuko at kalaunan ay inaresto si Sen. Marcoleta.
Aniya, nagtungo ang senador sa Sandiganbayan upang maghain ng motion to quash, o ang pormal na kahilingan sa korte na ibasura ang kaso o ideklarang walang bisa ang legal na dokumento o proceeding. Gayunman, ito ay na-deny.
Nang ma-deny ang kanyang mosyon, agad na isinailalim sa lockdown ang Sandiganbayan, at doon na isinagawa ang pag-aresto sa kanya.










