Monday, August 10, 2026

PBBM, inatasan ang DOH na agapan ang pagdami ng leptospirosis

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Health (DOH) na maagapan ang posibleng pagdami ng mga sakit, lalo na ang leptospirosis, dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, pinaalalahanan ang mga lumulusong sa baha na agad maligo gamit ang malinis na tubig at sabon.

Hinikayat din silang magpakonsulta agad sa health center kahit walang sugat o sintomas, dahil maaaring hindi agad lumabas ang leptospirosis.

Maaari ring makapasok ang bacteria sa katawan kapag napunta ang tubig-baha sa mata o bibig.

Libre naman ang konsultasyon at doxycycline sa mga health center.

Gayunman, hindi ito basta maaaring gamitin ng mga buntis at batang edad 12 pababa.

Facebook Comments