Monday, August 3, 2026

Commissioner ng Insurance Commission, sinuspinde ng Ombudsman

Sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Insurance Commissioner Reynaldo Regalado dahil sa kinakaharap nitong reklamo.

Ayon sa Ombudsman, para magbigay daan sa kanilang imbestigasyon kaugnay sa accreditation ng insurance providers sa ilalim ng Personal Passenger Accident Insurance Program para sa mga pampublikong sasakyan.

Nakitaan umano ng sapat na batayan para patawan ng anim na buwan na preventive suspension si Regalado habang dinirinig ang mga reklamong Grave Misconduct, paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.

Batay sa reklamo, inaprubahan umano ni Regalado ang accreditation ng isang insurance consortium kahit kuwestiyonable ito.

Nagkaroon din daw ng conflict of interest dahil dating nagsilbi si Regalado bilang senior counsel ng law firm na kumakatawan para sa naturang consortium.

Sinabi pa ng Ombudsman na may iba pang kinakaharap na reklamo si Regaladk na may kinalaman naman sa paglabag sa probisyon ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Facebook Comments