Monday, August 10, 2026

Mga empleyado ng Senado, naka-work from home ngayong araw; impeachment trial at sesyon kanselado

Pinayagan ni Senate President Sherwin Gatchalian na mag-work from home ngayong araw ang mga empleyado ng Mataas na Kapulungan bunsod ng patuloy na masamang panahon dulot ng habagat.

Salig na rin ito sa Memorandum Circular no. 123 na inisyu ng Office of the President para sa inaasahang mas malalakas na pagulan ngayong araw.

Kanselado naman ang impeachment trial at sesyon ngayong araw at itutuloy na lamang bukas, August 11.

Bukas ay haharap muli ang Commission on Audit (COA) State Auditor na si Xylene Del Campo para sa direct at cross examination tungkol sa Article 2 o ang sinasabing hindi wastong paggamit ni Vice President Sara Duterte ng P612.5 million na confidential funds.

Facebook Comments