Saturday, August 29, 2026

Atty. Michael Poa, itinuturing ng Prosekusyon bilang hostile witness sa Impeachment Trial

Plano ng House Prosecution Panel na iprisenta bilang hostile witness si Atty. Michael Poa sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte (VPSD).

Ayon kay House Trial Spokesperson Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ito ay dahil kabilang si Poa sa defense team ng ikalawang pangulo.

Nilinaw naman ni Adiong na nasa impeachment court pa rin ang pinal na pagpapasya kung kwalipikado si Poa bilang hostile witness.

Tiwala naman si Adiong na malaki ang kahalagahan ng magiging testimonya ni Poa kaugnay sa confidential funds ng Department of Education (DepEd) sa panahon na si VPSD ang kalihim nito.

Sabi ni Adiong, bilang dating Assistant Secretary at spokesperson ng DepEd ay si Poa ay isa sa mga opisyal na tumugon sa Audit Observation Memoranda na inisyu ng Commission on Audit (COA).

Tiwala si Adiong, na katulad ni Office of the Vice President (OVP) Assistant Secretary Lemuel Ortonio ay malawak ang kaalaman ni Poa sa pag-request, release, at liquidation ng confidential funds ng DepEd.

Facebook Comments