Philippine internet speed, mas bumilis pa noong Marso

43

Bumuti ang fixed broadband at mobile median download speeds sa Pilipinas noong Marso batay sa report ng Ookla Speedtest Global Index.

Mula sa 49.10Mbps na naitala noong Pebrero ay umakyat sa 52.16Mbps ang fixed broadband median speed sa bansa. Ang latest download speed ay kumakatawan sa 6.23% month-to-month na increase sa speed para sa fixed broadband. Ang average download speed para sa fixed broadband ay naitala sa 83.37Mbps.

Bumilis din ang mobile median speed sa download speed na 19.38Mbps mula sa 18.79Mbps noong Pebrero.


Ang latest median download speed ay kumakatawan sa 3.14% month-to-month increase sa speed para sa mobile, ang average download speed para sa mobile ay naitala sa 45.48Mbps.

Ang pagbuti ng internet speed ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang ng mga Local Government Units (LGU) ang pag-iisyu ng permit sa mga telcos at mabilis na pagtatayo ng mga cellular towers at fiber optic network na kinakailangan sa pagpapalakas ng kanilang serbisyo at connectivity.

Facebook Comments