Vice Mayor ng Pilar, Abra, pananagutin ng DILG dahil sa paglabag sa COMELEC rules

Pinag-aaralan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paghahain ng disqualification laban kay Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Disono.

Ito’y kasunod ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng kampo ni Disono at ng mga pulis nang takasan nila ang inilatag na checkpoint.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, malinaw ang naging paglabag ni Disono sa Commission on Elections (COMELEC) rules dahil sa pagmamay-ari ng samu’t sari at matataas na uri ng armas.


Maliban kay Disono, sinabi rin ni Año na pananagutin din si Pilar Mayor Roland Somera kung mapatutunayan na sangkot siya sa insidente lalo na’t tumatakbo sila bilang reelectionist.

Facebook Comments