Thursday, June 11, 2026

Loyalty check sa AFP, hindi kailangan — Palasyo

Hindi nakikita ng Malacanang ang pangangailangang magsagawa ng loyalty check sa hanay ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay kasunod ng pahayag ni Senador Panfilo Lacson na may ilang sundalo umanong nagpapakita ng pagkadismaya na posibleng mauwi sa mga hakbang na magpapahina sa administrasyon.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro na walang natatanggap na impormasyon ang pamunuan ng AFP na magpapatunay sa naturang alegasyon, bagama’t patuloy silang nagbabantay sa sitwasyon.

Binigyang-diin ni Castro na nananatiling buo, disiplinado at propesyunal ang hanay ng AFP.

Batid din aniya ng mga sundalo ang kanilang tungkulin sa bayan at ang kanilang pananagutang sumunod sa Konstitusyon.

Facebook Comments