POLO-Hong Kong, may libreng bakuna sa OFWs na 50 taong gulang pataas

Nagpaabot ng paanyaya si Assistant Labor Attache’ (LabAtt) Angelica Sunga ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong sa Overseas Filipino Workers (OFWs) doon na may edad-50.

Kaugnay ito ng inilunsad na libreng Influenza vaccination na magsisimula bukas, October 9.

Ang Free Influenza Vaccination Program ng POLO ay may layong maprotektahan ang kalusugan ng Pinoy workers sa Hong Kong.


Tatagal ang pagbibigay ng libreng flu vaccine hanggang sa katapusan ng Nobyembre ng taong ito.

Facebook Comments